Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albaylde bilang sunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Inanunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang awarding ng Outstanding Gawad Saka 2017 at manilis at masaganang karagatan 2017 sa Malacañang.
Papalitan ni Albayalde si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na nakatakdang matapos ang term extension ngayong Abril na sunod namang mamumuno sa Bureau of Corrections (BOC).
Sabi ni Duterte, si Albayalde ang napili niyang kapalit ni Dela Rosa dahil sa pagiging istrikto nito.
Ikinagulat naman ni Albayalde ang pagtatalaga sa kanya ng pangulo bilang susunod na PNP Chief.
Gayunman, pinasalamatan niya si Duterte at si Dela Rosa na siyang nag-endorso umano sa kanya sa Pangulo.
Ipinangako ni Albayalde na ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho at susuportahan ang mga adbokasiya ng Pangulo.