BAGONG PINUNO | Incoming AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, ikinatuwa ang pagkatatalaga bilang pinuno ng AFP

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni AFP Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Carlito Galvez ang pagkakapili sa kaniya bilang susunod na AFP Chief of Staff.

Aniya nagpapasalamat siya sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kaniya.

Tiniyak niyang susuklian niya at gagawin ang lahat ng makakaya sa posisyong ipinagkatiwala sa kanya.


Aniya, wala pang pormal na komunikasyon sa kanya mula higher headquarters kaya ikinagulat nya ang announcement.

Si Galvez ang isa sa mga namuno sa marawi siege bilang westmincom commander.

Si Galvez ay nagtapos ng Philippine Military Academy Class of 1985.

Facebook Comments