PAPALITAN | Clark Int’l Airport, ibabalik sa pangalan na Diosdado Macapagal Int’l Airport

Malapit nang mapalitan ang pangalan ng Clark International Airport sa Diosdado Macapagal International Airport.

Sa botong 199 Yes at 0 No ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8649 na layong ibalik muli ang pangalan ng Diosdado Macapagal International Airport sa Angeles City sa Pampanga.

Nakasaad sa panukala na nararapat lamang na ibalik sa dating pangalan ang airport dahil si Macapagal ay nakilala bilang “poor boy” ng Lubao.


Si Macapagal na ika-siyam na Pangulo ng bansa at ama ng dati ring Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpakita noon ng isang katangian ng lider, tagapagtanggol ng mga mahihirap at pagiging makabayan.

Ang nasabing airport ay ikinukunsidera ngayon na major international gateway ng bansa bukod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments