Manila, Philippines – Nais palitan ng Department of Agriculture ang pangalan ng ilang bigas at gawing simple ang label nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – layunin nitong maiwasan ang pandaraya sa presyo ng bigas ng mga negosyante.
Matagal na aniya problema ang maling pagpapangalan ng mga ibinebentang bigas gayundin ang pang-aabuso sa presyo nito.
Papalitan ang pangalan ng bigas base sa apat na klasipikasyon:
– Imported rice (may 25% durog)
– Regular milled rice o local
– Well milled rice
– Whole grain
Ani Piñol – sa ganitong paraan, magbabase ang mamimili sa kalidad at hindi sa mga pangalang walang basehan.
Lalagyan din ang mga bigas ng suggested retail price (SRP) maliban sa mga espesyal na bigas.
Siniguro ng DA na hindi maaagrabyado ang mga negosyante dahil babantayan ng ahensya ang presyo ng bigas at dedepende ang SRP sa paggalaw ng presyo nito.