SIBAK | 5 pulis na escort ng napatay na 5 PDEA agents sa Lanao del Sur, sinibak

Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang limang pulis na siyang escort ng napatay na limang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lanao del Sur.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – nag-overtake umano ang van ng police escort ilang minuto bago pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin ang van kung saan lulan naman ang mga PDEA agents.

Aminado si Albayalde na hindi nakaresponde agad ang mga pulis dahil short firearms ang kanilang mga dala.


Facebook Comments