PAPALITAN? | TRAIN 2, balak palitan ng ibang panukalang batas

Manila, Philippines – Nakahain na sa Kamara ang package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2 Law.

Kasunod na rin ito ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa na sa Kongreso ang naturang panukalang batas.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, nadala na sila sa TRAIN 1 dahil sa idinulot nitong pagtaas sa inflation rate.


Dahil dito, balak ng Senado na palitan ng ibang panukalang batas ang TRAIN 2.

Samantala, malabo ring makalusot sa Senado ang panukalang cha-cha o ang draft federal constitution dahil hindi ito prayoridad ng mga senador.

Facebook Comments