PAPALO! | Crowd estimate sa Manila South Cemetery, inaasahang aabot sa mahigit kalahating milyon hanggang mamayang gabi

8

Manila, Philippines – Halos magkasing dami ang bilang ng mga pumapasok at lumalabas dito sa Manila South Cemetery sa mga oras na ito.

Batay sa crowd estimate ng Task unit Manila South Cemetery as of 5PM kabuuang 568, 293 ang pumasok dito sa manila south cemetery ngayon lamang November 1 all saints day.

Habang as of 5PM rin kabuuang 225, 105 ang mga lumabas na dito sa Manila South Cemetery.

Kaya sa kasalukuyan mayroong estimate na na bilang na 343, 188 na indibidwal ang nasa loob mismo ng Manila South Cemtery.

Ngayong araw rin 39 na bladed weapons, 76 na flammable materials, 2 gambling materials, 13 gardening tools at 58 iba pang mga ipinagbabawal ang nakukumpiska ng mga pulis.

Inaasahan naman ni Supt. Albert Barot na aabot sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga tutungo dito sa Manila South Cemetery hanggang mamayang gabi para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nanatili naman naka alerto ang 165 na mga police officers para matiyak na nanatiling payapa ang Manila South Cemetery.

Facebook Comments