PAPALO | Inflation, inaasahang papalo sa pinakamataas na antas nito sa loob ng 9 taon

Manila, Philippines – Papalo ang inflation rate sa bansa sa anim na porsiyento dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kung mangyayari ito, ito na ang pinakamataas na inflation rate sa bansa sa nakalipas na siyam na taon.

Sa ginawang forecast ng mga ekomista, aabot hanggang 6.1% dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, tubig at krudo.


Ayon pa sa mga eksperto, dahil sa mataas na pangangailangan ng pagkain gaya ng bigas, karne at gulay kaya patuloy ang pagtaas ng presyo.

Habang malaki naman ang epekto ng pagtaas ng singil sa koryente at gasolina sa pagtaas ng mga non-food item.

Hindi rin nakatulong ang mahinang piso kontra sa dolyar na nananatiling nasa 53 pesos kada dolyar ang palitan. Ito ang pinakamababa sa loob ng nakaraaang 12 taon.

Facebook Comments