PAPANAGUTIN │ Mga nagsusulong ng revolutionary government, pinapakasuhan

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kasuhan ang mga nagsusulong ng revolutionary government dahil ilegal ito at bawal sa saligang batas.

Mensahe ni Drilon sa administrasyon Duterte, hindi porke kaalyado ay dapat palampasin at paligtasin sa pananagutan ang mga nagtutulak ng revolutionary government.

Ipinunto ni Drilon at ng iba pang senador na kasamahan niya sa Liberal Party o LP na kung seryoso ang Duterte administration na papanagutin ang mga tiwali ay dapat hindi nito paligtasin ang mga kakampi na sangkot sa mga kontrobesiya.


Pangunahing inihalmbawa ni LP President Kiko Pangilinan si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nakakaladkad sa kaso ng pagpuslit sa bansa ng mahigit 6.4billion pesos na shabu galing sa China.

Gayundin ang dalawang dating associate commissioners ng Bureau of Immigration na umano’y tumanggap ng P50-million na suhol mula sa Chinese tycoon na si Jack Lam.

Facebook Comments