Manila, Philippines – Pagbobotohan ngayong araw ng Consultative Committee (Con-Com) en banc ang tatlong self-executing constitutional provisions sa pagpigil ng mga political dynasties sa Pilipinas.
Kabilang sa mga probisyong pag-uusapan ang pagbabawal ng hanggang sa second-degree relatives na tumakbo sa gobyerno.
Pag-uusapan rin kung gaano kalawak ang pagpapatupad ng nasabing mga probisyon.
Ayon sa en banc, posible kasi itong ipatupad sa national, regional, local, o barangay level.
Huling pag-uusapan kung maaari bang sunod na takbuhan ng hanggang sa second degree relative ang nabakanteng posisyon ng kanilang kamag-anak.
Facebook Comments