Umaasa ang sektor ng negosyo na tutulungan ng papasok na Marcos administration ang mga maliliit na negosyante sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na nalugmok lalo na ang mga micro-, small-, and medium-sized enterprises (MSMEs) nitong pandemya kung kaya’t umaasa silang maiaahon ito ng susunod na administrasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Concepcion na mahalagang maipagpatuloy ng papasok na administrasyong Marcos ang build build build program ng Duterte administration dahil mahalaga aniya ito sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya.
Malaking bagay aniya ang mga imprastraktura para sa paginhawa ng sektor ng agrikultura at ng mismong mga magsasaka.
Sa ngayon ay nakaabang na aniya ang mga negosyante maging ang international partners at investors kung sinu-sino ang bubuo ng gabinete ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nais aniya ng mga mamumuhunan na makita kung ano ang latag ng economic programs ng bagong administrasyon.