Sa pamamagitan ng pamamahagi ng papel at lapis sa mga mag-aaral ng Epifano Molina Memorial Elementary School sa bayan ng Parang, sa Maguindanao ay ilunsad ng Regional Mobile Force Battalion 14 ng PRO-ARMM ang pagdiriwang ng Police Community Relations Month.
Ayon sa RMFB-14, masarap sa pakiramdam na napapasaya ang mga paslit na higit na nangangailangan ng tulong.
Napawi umano ang kanilang pagod at hirap na naramdaman sa kasiyahan, ngiti at pasasalamat na isinukli ng mga batang mag-aaral na nakatanggap ng lapis at papel.
Kung tutuusin, maliit na bagay lamang ang lapis at papel ngunit ang saya ng mga bata ay hindi matutumbasan ng kahit na anumang halaga.
Matatandaang inilunsad ng Regional Mobile Force Battalion14 sa pamumuno ni Force Commander PSUPT DANILO A BACAS, ang “1000 PAPEL AT LAPIS CAMPAIGN” bago magpasukan noong Hunyo.
Layunin ng programa na isulong ang karapatan ng mga bata na makapag-aral. (photo:proarmm)
"Papel at Lapis Campaign" ng RMFB 14 ng PRO-ARMM, nagpapatuloy!
Facebook Comments