Papel ng BARMM para sa pangmatagalang kapayapaan sa bansa, kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos

Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtugon ng pamahalaan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa ika-limang anibersaryo ng BARMM.

Kinikilala ni Pangulong Marcos ang napakahalagang papel ng BARMM sa isinusulong na “Bagong Pilipinas.”


Ayon sa pangulo, titiyakin ng kaniyang administrasyon na panatilihin ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran, hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Itinatag ang Bangsamoro Region noong 2019 sa bisa ng Bangsamoro Organic Law.

Facebook Comments