Papel ng Senado sa peace process, iginiit ng isang Senador

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Minority Leader Frankin Drilon ang kahalagahan na magkaroon ng papel ang senado sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Ang pahayag ay ginawa ni Drilon matapos ang kanyang pakikipagpulong sa special envoy ng Norwegian govt. sa peace process ng ating gobyerno sa NDFP.

Ayon kay Drilon, hanggang ngayon ay hindi pa rin pormal na tinatalakay sa Senado ang nabanggit na peace process.


Paliwanag ni Drilon, dapat kasama ang senado sa mga hakbang para magkaayos ang pamahalaan at NDFP dahil sa huli ay isang batas ang kakailanganin para sa pagpapatibay o pagbuo ng relasyon ng magkabilang partido.

Facebook Comments