Manila, Philippines – Inaasahang mabibigyang diin ang mahalagang papel ng China sa napakalaking infrastructure projects ng administrasyon sa nakatakdang pagtungo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina ngayong Linggo para sa One Belt One Road project ng China.
Sa gitna na rin ito ng inaasahang paglalahad ng Pangulo ng kanyang economic policy sa naka-schedule na belt and forum policy sa Beijing.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, sa halos 8 trilyong piso na gagamitin sa infrastructure program ng administrasyon, malaking bahagi dito ay magmumula sa China.
Bukod pa ang 24 na bilyong dolyar na ipinangakong pamumuhunan ng Tsina na tiyak na malaking tulong din sa bansa.
Isang katunayan din ani Andanar ito na hindi maitatangging sadyang gumanda ang relasyon ng Pilipinas at China sa pag-upo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang.
DZXL558