Guro, patay nang barilin ang sarili sa Cagayan De Oro

191

Cagayan De Oro, Philippines – Patay ang isang guro, matapos barilin ang sarili sa block 11, lot 7 Vista Verde Village, Upper Carmen sa siyudad Cagayan De Oro.

Nakilala ang guro na si William Jurado, 47 taong gulang, residente ng naturang lugar.

Ayon sa asawa ng biktima, na wala silang hindi napagkasunduan ng kanyang mister, ngunit malaki ang kanyang hinala na ang pressure sa trabaho ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Dagdag pa ng asawa na nagbaril sa sarili ang kanyang mister sa kanilang prayer room gamit ang .45 kalibre na armas particular sa dibdib.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para sa kadagragang impormasyon sa kaso.

DZXL558

Facebook Comments