Paperworks ng mga guro, mababawasan ng 57% sa bagong polisiya ng DepEd

Kinumpirma ng Department of Education o DepEd na mababawasan na ng hanggang 57% ang paperworks ng mga guro sa bagong polisiya na ipapatupad ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sa kabuuang 174 school forms, 5 forms na lamang ang regular na kukumpletuhin ng mga guro sa ilalim ng bagong polisiya.

Bukod dito, 31 forms na lamang ang kailangang punan ng mga guro na sakop ng ancillary tasks at 39 forms para sa teaching related assignments.


Sinabi pa ng kalihim na sa pag-aaral ng IDInsight, natuklasan nila na 42% ng mga guro ang kailangang magtrabaho ng mahigit sa 50 oras bawat lingo kung saan kailangan nilang maglaan ng 17.8 oras sa mga ancillary duties at 8.1 oras naman sa iba pang mga programa ng paaralan.

Dahil aniya sa naturang paperworks, malaking oras ang nababawas sa lesson planning, student engagement at instructional activities ng mga guro.

Facebook Comments