Puspusan ang paghahanda ngayon ng Womens National Wheel Chairbasketball team kung saan katatapos lamang ng pagsasanay sa Thailand sa Women Development Camp para sa Wheel chair Basketball na ibinigay ng International Wheel Chair Basketball Federation o IWBF ito ang Counterpart ng International Basketball Federation o FIBA.
Ayon kay Coach Vernon Perea – kararating ng kanilang team galing sa Thailand na nagsanay para sa paghahanda sa pagbuo ng National Team na panlaban ng Pilipinas sa mga International Competitions.
Paliwanag ni Perea na malaki ang laban ng team ng Pilipinas basta’t kailangan lamang ang suporta ng gobyerno kung saan handang sumuporta ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Pribadong Sektor upang masungkit ang gintong medalya sa hinaharap na palakasan.
Binigyaan diin pa ni Perea na ngayong mga susunod na araw magtatalaga ng venue at petsa para sa gaganaping try out upang makumpleto ang 12 players team ng koponan dahil sa ngayon aniya ay apat pa lamang ang kanilang miyembro.
Tiwala si Perea sa kakayahan ng mga atletang Pilipino lalo na sa larangan ng Basketball dahil nasa dugo na ng mga Pilipino ang Basketball.