PARA HINDI MALIITIN | Pagpapalakas sa Militar, iginiit ni Senator Gordon

Manila, Philippines – Para kay Senator Richard Gordon, dapat pagtuunan ng gobyerno ang pagpapalakas sa militar para hindi maliitin ang Pilipinas ng ibang mga bansa, tulad ng China na umaangkin sa ilang bahagi ng teritoryo.

Ang pahayag ay ginawa ni Gordon sa harap ng isyu ng pagbibigay ng pangalan ng China sa limang undersea features ng Benham Rise.

Sabi ni Gordon, bagamat hindi natin kalaban ang China sa ngayon ay dapat pa rin nating ipakita na kaya nating ipaglaban ang ating mga teritoryo.


Paliwanag pa ni Gordon, hindi rerespetuhin ng ibang mga bansa kung makikita nila na walang binatbat ang navy at air force.

Diin ni Gordon, dapat handa ang bansa na lumaban sa lahat ng pagkakataon at dapat tinatantya na ngayon pa lang ang kakayahan ng ibang bansa laban sa Pilipinas.

Facebook Comments