PARA LUMAGO | TRAIN Law, malaking tulong sa ekonomiya – ayon sa opisyal ng Dept. of Finance

Manila, Philippines – Naniniwala si Dept. of Finance Asec. Tony Lambino na malaki ang tulong ng Train Law upang lumago ang ekonomiya ng bansa.

Sa ginanap na Forum sa Balitaan sa Manila, sinabi ni Asec. Lambino na lima ang package na pinondohan ng mga Filipino people ang TRAIN Law kung saan maraming benepisyo ang nakukuha sa TRAIN Law dahil tinutulungan nito ang mga mahihirap na Pilipino.

Paliwanag ng opisyal na ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion ay walang maiiwan na Pilipino dahil lahat aniya ay makikinabang dito lalung lalo na ang mga kabataan na nag aaral.


Paliwanag ni Lambino sa pamamagitan ng TRAIN Law ang Poverty rate ng bansa ay bababa ng 14 percent sa 2022 maging ang Peace and Order ay tuluyan ng maging mapatatag.

Dagdag pa ng opisyal na ngayong 2018 ay 99 percent ay malaki na ang take home pay ng mga ordinaryong manggagawa dahil hindi na kinoklekta ng gobyerno ang kanilang buwis.

Binaba na rin aniya ang Estate at Donor Tax kung saan ibinaba ito hanggang sa 6 percent bukod dito ay 93 libong trabaho na suportado ng TRAIN Law at 26 milyon na mga estudyante ang nakapag aaral dahil na rin sa TRAIN Law.

Facebook Comments