MANILA – Para lalong mabantayan ang proyekto ng gobyerno sa bawat lugar sa bansa…Kasama sa plataporma ng “Gobyernong may Puso” ni Presidential Candidate Sen. Grace Poe ang pagtatayo ng mga “council of women” o lupon ng kababaihan sa bawat barangay na ang pangunahing layunin ay bantayan ang paggalaw ng isang proyekto sa kanilang lugar.Sa isang campaign rally sa Camarines Sur, sinabi ni Poe, na ang programang ito ay suporta sa women empowerment at maipakita ang partisipasyon ng bawat isa sa mga isyung may kinalaman sa gobyerno.Ang bawat konseho ay bubuuin ng mga kababaihang volunteers na hihikayating tumulong sa pagbuo ng isang maunlad na bansa sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga pagkabinbin at iregularidad sa mga proyekto ng gobyerno.
Facebook Comments