Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office na mananatili pa rin sa paligid ng gusali ng Supreme Court ang kanilang mga tauhan.
Ito ay upang matiyak na mababantayan ang mga natitira pang mga raliyista sa lugar na tutol sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Cereno bilang Chief Justice ng Supreme Court.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Superintendent Vimeelee Madrid hanggang alas-5 ng hapon lang ang napagusapan ng PNP at mga grupo ng nagra-rally para magsagawa ng protesta sa paligid ng gusali ng Supreme Court.
Pero sinabi ni Madrid na kung lalampas sa oras na napagusapan ang mga raliyista ay wala naman daw problema batay sa utos ni NCRPO Chief Regional Director Police Director Camilo Cascolan
Sa ngayon aniya may nakadeploy na 800 pulis sa lugar habang may 200 pang standby force.
Mahigpit naman ang paalala pamunuan ng NCRPO Chief sa mga pulis na nakadeploy sa lugar na mahigpit na pairalin ang maximum tolerance at respetuhin ang karapatang pantao.