PARA MABANTAYAN | Senator Gatchalian, pabor na mailagay sa ilalim ng Office of the President ang NFA council

Manila, Philippines – Pabor si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian na ilagay sa ilalim ng Office of the President ang NFA council para mabantayan ang pagbili ng gobyerno ng bigas.
Ikinatwiran ni Gatchalian, na isa sa pinakasensitibong operasyon ng NFA ay ang pagbili ng bigas na pinaglalaanan ng napakalaking halaga ng pondo ng pamahalaan kaya dapat mabantayan ng mahigpit.
Dagdag pa ni Gatchalian, mahalaga ang accurate o tamang forecast sa pagbili ng NFA ng bigas para hindi sumobra at hindi rin magkulang ang suplay ng bigas sa bansa.
Binanggit pa ni Gatchalian na kaya nilikha ang NFA ay para protektahan ang ating mga magsasaka at siguraduhin na may murang bigas na mabibili sa merkado.

Facebook Comments