BOAO FORUM FOR ASIA | Mayor Sara Duterte Carpio, unang beses nakasama ng Pangulo sa biyahe sa ibang bansa

84

Manila, Philippines – Matapos ang maraming biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bansa ay ngayon lang nito nakasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.
Sa natanggap na larawan ng Malacanang Press Corps mula sa Presidential Photo Bureau ay makikita na kasama ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia sa hainan China ay kasama ng Pangulo si Mayor Sara na ayon sa source ay naging magiliw na kausap ng iba pang guest sa nasabing aktibidad.
Sinabi ng source na ipinagmamalaking ipinakilala ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na Mayor ng Davao City sa mga dumadalo sa nasabing forum.
Kinumpirma din ng source na hindi ito ang una at huling pagkakataon na makakasama ng Pangulo ang anak na Mayor isa international trips ng Pangulo.
Napabalita din na gagamitin ni Pangulong Duterte at Mayor Sara ang pagkakataon para magbonding kasama ang apo na si Stingray na ipapasyal umano sa Hong Kong Disneyland.
Matatandaang bibisita si Pangulong Duterte sa Hong Kong para kamustahin ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers doon.

Facebook Comments