PARA MAKAPAG-SWIMMING | 2 lalaki, nang-snatch ng cellphone sa Maynila

Tondo, Maynila – Para makapag-swimming, nanghablot ng cellphone ang tatlong lalaki sa babaeng nag-aabang lang ng masasakyang taxi sa R. Papa Street sa Tondo, Maynila.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek nang madaanan nila sa lugar ang biktimang si Jamaica Austria saka hinablot ang cellphone niya.

Tiyempo namang pulis pala ang lalaking hiningan ng tulong ng biktima kaya agad na nahabol ang mga kawatan.


Kinilala ang naarestong suspek na si Jessie Villanueva, 18-anyos at isa pang menor de edad habang nakatakas ang isa pa nilang kasamahan sakay ng motorsiklo.

Ayon sa menor de edad, nagawa lang niya ang krimen dahil magsu-swimming sila ng kanyang mga kaibigan.

Napag-alaman naman na may dati nang record ng robbery snatching noong nakaraang taon ang mga nahuling suspek.

Facebook Comments