PARA MAPAGBIGYAN ANG MGA KABARANGAY, ISANG KAPITANA SA CAUAYAN CITY, NAG ABONO

Cauayan City, Isabela – Hindi inalinta ni Brangay Captain Imelda Malillin ng Barangay Cassap Fuera dito sa lungsod ng Cauayan na mag abono para lang mapagbigyan ang lahat ng mga qualified beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFm Cauayan, dalawa sa 20 nakasali sa validated list na benebesaryo ng SAP sa BarangayCasap Fuera ang na disqualify sa mismong araw ng bigayan ng pera.

Batay sa naging pagpapahayag ni Kapitana Malillin sa panayam ng 98.5 iFm Cauayan, ang dalawang ito ay matanda na. Isa sa mga ito ay may anak na nalock down sa ibang bansa. Ayon pa sa kapitana, sinabi ng DSWD na hindi daw pwedeng mabigyan kung nag iisa sa bahay ang benepesaryo.


Pahayag pa ni Kapitana Malillin, tulad niya,inaasahan na ng dalawa na makakatanggap sila dahil naisama na ang kanilang mga pangalan sa final list batay sa pag validate mismo ng DSWD. Nagtaka umano siya dahil na disqualify ang mga ito sa mismong bigayan na ng ayuda.

Dahil sa awa ay siya na ang humugot mula sa kanyang sarling bulsa para mapagbigyan ang lahat ng nasa final list.

Facebook Comments