PARA MAPAKINABANGAN | BOC, nagbigay ng mga nakumpiskang bigas sa NFA

37

Manila, Philippines – Nagboluntary ang Bureau of Customs na ibigay sa National Food Authority ang mga nakumpiska nilang bigas. Ito ay matapos sabihin ng NFA na higit isang araw na lang ang itatagal ng kanilang buffer stock na NFA rice. Ayon kay Senator Cynthia Villar, makakatulong ang bigas mula sa BOC para patagalin ng labing limang araw ang kanilang buffer stocks. Tiniyak naman ni Villar na patuloy nilang pinag-aaralan ang long term solution para sa supply ng bigas sa bansa gaya ng pagpapataw ng taripa.

Facebook Comments