PARA MATULUNGAN | Halos kalahating milyong piso ipinalabas ng Pangulo sa DOLE para sa maaapektuhang manggagawa sa Boracay

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment na maglabas ng 448 million pesos na dapat ilaan sa mga manggagawang maaapektuhan ng pagsasara ng isla ng Boracay.

Ayon kay Pangulong Duterte, ilalaan ang 448 million pesos sa adjustment measure program na siyang magbibigay ng financial support na sisimulan naman ngayong buwan ng Mayo.

Dapat aniyang gamitin ito sa active labor market programs tulad ng mga trainings, livelihood programs at iba pang serbisyo.


Matatandaan na isinailalim ni Pangulong Duterte sa State of Calamity ang Boracay upang mabilis na magamit ang mga pondo para mabilis na matapos ang rehabilitasyon ng tatalong barangay sa isla.

Facebook Comments