PARA OBSERBAHAN | DOE, maglalabas ng polisiya para sa mga produktong petrolyo

Manila, Philippines – Sa layuning protektahan ang interest ng mga consumers, magtatakda ng polisiya ang Department of Energy (DOE) na layuning I monitor ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi target nilang ilabas ang bagong polisiya sa katapusan ng buwan ng hunyo

Sa nasabing polisiya tutukuyin ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo tulad ng gasoline, automotive and industrial diesel, kerosene, jet fuel, bunker fuel oil, household at automotive liquefied petroleum gas.


Oobligahin din ng DOE ang mga oil companies na magbigay ng weekly notice of price adjustments gayundin ang kumpyutasyon ng kanilang product components tulad ng international price movement, biofuels cost at capital o operational cost recovery.

Ang nasabing bagong polisiya ay alinsunod sa mandato ng ahensya sa ilalim ng Republic Act No. 8479, o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998

Kaugnay nito kasalukuyan na ring nakikipagpulong ang DOE Oil Industry Management Bureau sa ibat ibang stakeholders.

Sa katunayan nagkaroon narin ng initial consultations ang DOE sa ilang kumpanya ng langis nito lamang Mayo 2.

Facebook Comments