PARA SA KALIGTASAN | NCRPO, umapela sa publiko na iwasan muna ang pagpo-post ng #ATM (at the moment)

15

Manila, Philippines – Umapela ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na iwasan muna ang pag-post ng “#ATM” o “hashtag at the moment” sa social media kung magbabakasyon sa ibang lugar ngayong Semana Santa.

Ayon sa NCRPO, delikado ang maya’t-mayang pagpo-post ng mga ginagawa o kinaroroonan ng mga bakasyunista.

Malalaman kasi ng mga magnanakaw o “akyat-bahay” na wala ang netizens sa kanilang mga bahay kaya maaaring maging target ang naiwang bahay.

Facebook Comments