Dagupan City – Matagumpay na idinaos ang Mission 2018: Handang Tumulong Sa’yo ng RMN at IFM Dagupan sa East Central Integrated Elementary School sa Herrero Dagupan City noong September 3, 2018 na kung saan 1,236 na estudyante at guro ang natulungan bilang pasasalamat sa ika -66 anibersaryo ng RMN.
Dahil sa sunod sunod na pagbaha sa lungsod malaking tulong sa mga estudyante at guro ang medical check-up na handog ng Mission 2018 na kung saan nabigyan din sila ng libreng gamot. Nagkaroon din ng libreng gupit at share a food para sa mga estudyante. Ang mga estudyante ay mula sa grade 1 hanggang grade 6 na nakisaya rin sa palarong inihanda ng mga IFM Dagupan Idol Dj’s.
Naging katuwang ng kompanya sa pagbibigay serbisyo publiko ang Region 1 Medical Center, National Grid Corporation of the Philippines, Haircut Encarnacion – Francisco Salon, GECA Construction Supply, TGIR Resto Bar and Catering Services, Salon Avenue Beauty hub for Men & Women, Roshan Digital Prints, Orange Kitchen Gas House, Porma Prints, Psalmstre Enterprises, Sanitary Bakery, Ermel Aqua Corner, ACS, at IPI
Ito ay taunang isinasagawa ng iba’t ibang istasyon ng RMN sa buong bansa upang isakatuparan ang Corporate Social Responsibility nito at parte narin ng commitment ng kompanya na makapagbigay ng serbisyo publiko para sa Masang Pilipino. [image: _DSC5485.JPG] [image: _DSC5170.JPG]