PARA SA PAGPAPAGAMOT | DOH, hihilingin ang paggamit sa perang ibinalik ng Sanofi

Manila, Philippines – Hihilingin ng Dept. of Health (DOH) sa Office of the President na magamit ang perang ibinalik ng Sanofi Pasteur.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sakaling pumayag, gagamitin nila ang pera para sa pagpapagamot ng mga batang magkakasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Nais din ni Duque na mabigyan ng health card na eksklusibo lang sa mga biktima ng Dengvaxia.


Pero ayon kay Duque, sagot naman ng PhilHealth ang hospitalization ng mga batang biktima ng Dengvaxia.

Magbibigay rin ang ahensya ng mga dengue kits para makatulong sa kanila.

Samantala, may karagdagang 17 kaso ng mga namatay na bata na iniuugnay sa Dengvaxia ang ilalapit ng DOH sa PGH para pag-aralan.

Facebook Comments