PARA SA TAMAD | Battery-powered device na panghugas ng plato, naimbento sa Japan

Isang handheld battery-powered device na perfect sa mga tamad o ayaw madumihan ang kamay sa paghuhugas ng plato ang nadiskubre sa Japan.

Tinawag itong “kurasa wash” na imbensyon ng Japanase company na Thanko.

Kailangan mo lang iipit sa dalawang crab-like arms ang huhugasang plato o bowl saka pindutin ang button para umandar ang device.


Kusa na itong maglalabas ng detergent saka kukuskusin ng sponge habang pinapaikot ang plato.

Wala ka nang ibang gagawin kundi anlawan ang mga plato!

Waterproof din ang kurasa wash kaya ok lang kahit mabasa ang makina nito.

Pwede ring i-charge ang battery nito sa loob ng dalawang oras na magagamit na sa loob naman ng isang oras.

Nagkakahalaga ito ng 8,800 yen o katumbas lang ng mahigit apat na libong piso!

Facebook Comments