Ang pag-inom ng alak ay isa sa mga paraan ng mga bestfriends natin ng sa gayon ay mawala ang stress at pagod na mayroon sila sa buong araw. Sa programang IFM BESTFRIEND CLUB napag usapan ang ang viral na video ni David Rey Catane na pumalo ng 6.8 Million views na kung saan sila ay nagzuzumba ng lasing at tinaguriang #ZUMBALASING.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang resulta sa pag-inom ng alak, minsan nagkakaroon ng away, at madalas resulta ito ng HANG-OVER.
Ilan sa mga paraan upang matanggal ang HANG OVER ay ang mga sumusunod:
5. Uminom ng Paracetamol – Kapag hindi mo na kaya ang sakit ng ulo mo dahil sa hang over subukang uminom ng paracetamol. Hindi ito mahapdi sa sikmura.
4. Sopas/Lugaw – Para mas maka recover sa hangover kumain ng sopas o mami dahil ito ay may mataas na sodium content upang mabawi ang panghihina at ang sabaw nito ay nakaka rehydrate ng katawan.
3. Banana – Dahil sa pag inom ng alak nawawalan tayo ng electrolytes. Isa sa pwedeng pagkuhanan ng Electrolytes ay ang saging na nagtataglay ng potassium upang magkaroon ng fluid balance.
2. Uminom ng maraming Tubig – Sa pag-inom ng alak nagdudulot ito ng sobrang pag ihi at natutuyo ang ating katawan kaya mahalaga uminom ng maraming Tubig.
1. Habaan ang Tulog – Huwag mong pilitin ang sarili na kumilos kung hindi mo pa kaya mas mabuti na itulog mo pa at bigyan ang sarili ng oras upang magkaroon ng lakas.
Oh kaya sa susunod WAG NA LANG UMINOM NG ALAK para walang hang-over! Peace.