Dating pulis sa Surigao nahuli sa illegal na droga ng PDEA

Dating pulis sa Surigao nahuli sa illegal na droga ng PDEA. Nahuli ng Phil Drug Enforcement Agency ang isang dating pulis ng Surigao Del Norte na kinilalang si SP01 Azul Torillo alias Torz kasama ang Incumbent Brgy. Kagawad ng Brgy. 3, Rosario, Agusan Del Norte na si Marivic Caburog alias “Inday”, 42 taong gulang, ito’y matapos ipatupad ng PDEA ang search warrant sa naturang barangay. Ayon kay Dindo Abellanoza, Spokesman ng PDEA Caraga Region hindi kaagad nahuli ang isa sa target na si SP01 Torillo sa operasyon ngunit boluntayo itong sumurrender kinagabihan sa Rosario Municipal Police Station. Nakuha mula sa operasyon ng PDEA ang 2 sachet sa pinaghihinalaang shabu, tinatayang 11 grams o may market value na P55,000 at iilang drug paraphernalias. Nakatakdang sampahan ng kaso ang dalawang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Facebook Comments