Paradahan sa mga Barangay, Ilan ang Puwede?

BAGUIO, PHILIPPINES – Inanunsyo ng City Government Technical Working Group o TWG na sa mahigit 128 na Barangay, nasa 67 ang mayroong mga maluwang na espasyo sa kani-kanilang nasasakupan para magpa-pay parking.

May ipinasang order naman ang lokal na gobyerno pa tungkol sa pagkakaroon ng mga magagamit na espasyo para sa pay parking lalong lalo na sa mga residenteng hindi makaparada sa kanilang lugar, para may maayos na daloy ng sasakyan pagdating na ng gabi at sa oras ng emergency.

Nasa 805 na sasakyan, 57 na motorsiklo, at 432 ba PUJ o Public Utility Jeepneys ang kayang suportahan ng mga pay parking slots ng mga nasabing barangay, ayon naman yan kay department head ng Traffic and Transportation Management Division ng City Engineering Office (CEO) at TWG member, Engr. Richard Lardizabal.


Ang mga sasakyan na paparada sa mga itinalagang barangay ay magkakaroon ng P60 Parking fee para sa mga magpaparada ng buong araw, at P75 kapag ito ay aabot hanggang gabi, at para naman sa mga magpaparada ng motorsiklo, magbabayad ng P10 na parking fee sa buong araw at magdadagdag ng limang piso pag-papaabutin ito hanggang gabi.

Hahatiin naman ang makokolektang fee para sa lokal na gobyerno at sa barangay.

Dagdag pa nya na ang mga naitalang barangay ay ang mga barangay na may Two-Way road access kung maluwang na makakadaan ang sasakyan sa parehong lane ng kalsada ng walang kasalubong.

Ang nasabing pagpapatupad naman ng pay parking sa 67 na mga barangay ay tinatapos pa lamang ng legislatibo ng lungsod bago ito gawing ganap na ordinansa kasama ang 67 na mga pangalan ng mga barangay at ang mga lugar ng paradahan ng mga ito.

iDOL, payag ka ba sa hakbang na ito?

Facebook Comments