North Korea – Imbes na mga long-ranged missiles at mga armas.
Mga makukulay na bulaklak at floats ang itinampok ng North Korea sa kanilang military parade kasabay ng selebrasyon ng kanilang 70th Founding Anniversary.
Binago ng Pyongyang ang tema ng kanilang taunang parada bilang tanda ng commitment sa pagbubuwag ng kanilang nuclear weapons program.
Ayon kay North Korean Leader Kim Jong-un, nakatuon sila sa pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya.
Tampok sa parada ang tema hinggil sa military accomplishment, national development at international engagement.
Matatandaang nakipagpulong ng North Korean Leader kay South Korean President Moon Jae-in, Chinese President Xi Jinping at U.S. President Donald Trump.
Facebook Comments