Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival, isasagawa na sa Linggo

Pinaiiwas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa ilang pangunahing kalsada sa Taguig City sa araw ng Linggo, December 22.

Ito’y dahil sa isasagawang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival.

Bahagi ng parada ang mga float kasama ang mga artista ng Official Movie Entries ng MMFF ngayong taon.


Bandang 12:00 ng tanghali, magsisimula ang parada sa Lakeshore C-6, kakanan sa M.L Quezon Avenue, kakaliwa sa MRT Avenue, at kakanan sa Cuasay, kakanan sa CP Garcia (C-5) Service Road, saka kakaliwa sa Upper Mckinley Road.

Kakanan  naman ito sa Lawton Avenue – 5thstreet, kakanan sa Mckinley Parkway, kakaliwa patungong 32nd street, kakaliwa sa 7th Avenue, kakanan sa 26th Avenue, kakaliwa sa 5th Avenue, kakanan sa Legrand Avenue at Chateau Road.

Ipatutupad naman ang Stop-And-Go Traffic Scheme sa C-5 – Upper Mckinley, C-5 Service Road – Sampaguita Bridge, Mckinley Parkway – 26th Avenue.

Sinabi ng MMDA na muli namang bubuksan para sa mga motorista ang mga apektadong kalsada bandang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments