Tinungo ni BARMM MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang mga naging biktima ng pagsabog sa Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Agad ring nagpaabot ng ayuda ang BARMM Government sa mga naging biktima base na rin sa direktiba ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.
Matapos ang pagbisita sa mga sugatang sibilyan, tinungo rin ni Minister Sinarimbo ang Site ng pinagsabugan.
Sinasabing apat na explosion ang naitala sa site base na rin sa ginawang initial na investigation, dagdag ni Minister Sinarimbo.
Agad ring nakipagpulong sa mga opisyales ng Western Mindanao Command, 6th ID Kampilan Division si Sinarimbo para sa gagawing malalimang investigation.
Kasalukuyang, 7 sugatan ang nasa mga pagamutan, 3 rito ay nasa CRMC habang apat sa IPHO Hospital. Nagpaabot na rin ng tulong ang BARMM Government sa pamilya ng mga nasawing menor de edad.
Nanawagan naman si Minister Sinarimbo na maging mahinahon . Sinisiguro rin ng BARMM Govenrment ang kaligtasan ng komunidad.
Inaasahang mula sa CHR BARMM, MILG BARMM at AFP ang magsasagawa ng Parallel Investigation.
MILG BARMM Pic
Parallel Investigation isasagawa sa nangyaring Explosion sa Datu Saudi Ampatuan
Facebook Comments