Parallel investigation ng NBI sa kaso ng nawawalang dalaga sa Palawan, nirerespeto ng PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang ginagawang parallel Investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng nawawalang 22 taong gulang na dalaga na si Jovelyn Galleno sa Palawan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Rhoderick Augustus Alba, iisa lang naman ang layunin ng PNP at NBI, ito ay upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng dalaga.

Aniya, nirerespeto ng PNP ang desisyon ng pamilya na magpasaklolo sa NBI.


Matatandaan na natagpuan ang pinaniniwalaang mga skeletal remains at damit ni Galleno sa Purok Pulang Lupa, Brgy. Sta Lourdes noong Agosto 23, matapos na una itong iulat na nawawala noong Agosto 5.

Ayon kay Police Regional Office MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Sidney Sultan Hernia, nagtugma ang DNA sample sa mga labi at sa ina ni Jovelyn kung saan ang 2 pinsan nito ang itinuturong mga salarin.

Facebook Comments