PESO Pateros, bibistahin ng DZXL 558 Radyo Trabaho team ngayong araw

Panibagong tanggapan ng PESO o Public Employment Services Office ang bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho Team ngayong araw.

Ito ay para sa courtesy visit kay Pateros PESO Manager Analyn Aguilon mamayang alas-9:00 ng umaga.

Matatandaan, taong 2019 pa huling bumisita ang team sa PESO Pateros gayundin sa tanggapan ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III.


Tulad ng ibang PESO sa NCR at Mega Manila, katuwang ng PESO Pateros ang DZXL Radyo Trabaho sa mga isinasawa nilang job fair at mga programa ng pamahalaan bayan.

Samantala, ilang aktibidad na rin ang naisagawa ng DZXL Radyo Trabaho sa Pateros tulad ng Rekorida, Radyo Saya sa Barangay, Oplan Toda-Max: COVID-19 Response at Oplan Bayanihan sa Bayan ni Juan.

Ito na ang pang-sampung tanggapang pambayan sa pamamasukan na bibisitahin ng Radyo Trabaho Team.

Una rito ang mga lungsod sa Quezon, Manila, Pasay, Las Piñas, Malabon, Taguig, Valenzuela, Caloocan at Parañaque.

Sa susunod na linggo, abangan ninyo – dalawang tanggapan ng PESO ang magkasunod na aming bibisitahin sa Metro Manila.

Facebook Comments