Parallel investigation ng NBI sa kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos, tuloy kahit ayaw makipagtulungan ng pamilya

Manila, Philippines – Tuloy ang parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos sa kabila ng pagtanggi ng pamilya nito na makipagtulungan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II , pagbabasehan na lamang ng NBI ang testimonya ng mga testigo at ang kuha ng CCTV footage mula sa barangay.
Nabigo kasi ang NBI forensic team na makapagsagawa ng autopsy sa labi ni Kian dahil ayaw makipagtulungan ng pamilya Delos Santos.

Sinabi ni Aguirre na ito sana ang pagkakataon para maisa-ayos ang magkaibang resulta ng autopsies ng Philippine National Police (PNP) at ng Public Attorney’s Office (PAO).


Noong Biyernes, nagsampa na sa Justice Dept. ang pamilya delos Santos ,kasama si PAO Chief Percida Acosta, ng kasong murder at paglabag sa Anti-Torture Law, laban kina Caloocan City Station 7 chief, Insp. Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares; PO1 Jeremiah Pereda, PO1 Jerwin Cruz, at ilang “John Does.”

Facebook Comments