Parañaque City Government, mamimigay ng ₱300-M gadgets sa mga estudyante at guro

₱300-milyong halaga ng gadgets ang nakatakdang ipamigay ng Parañaque City Government sa mga pampublikong guro at estudyante nito.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, kinabibilangan ng 7,000 tablets para sa mga mag-aaral at 300 units ng laptop para naman sa public school teachers.

Bukod sa mga gadget, sinabi ni Olivarez na aprubado na rin ang ₱200 million na alokasyon para sa ₱6,000 na taunang allowance o ₱500 kada buwan para sa 16,000 junior at senior high school students para sa pagbubukas ng klase sa Agosto.


Ayon kay City Treasurer Dr. Anthony Pulmano, ang panggastos para sa nabanggit na tulong sa mga guro at estudyante ng lungsod ay magmumula sa local government’s special education fund.

Dagdag pa ni Pulmano, naghahanap na rin ang lokal na pamahalaan ng lokasyon sa dalawang distrito ng lungsod na pagtatayuan ng dalawang cell sites.

Ang nabanggit na hakbang ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ay bilang suporta sa online learning na magiging paraan ng pagtuturo upang maproteksyunan ang mga mag-aaral laban sa COVID-19.

Facebook Comments