VP Robredo, hinikayat ang pamahalaan na magkaroon ng organized efforts para tulungan ang locally stranded individuals

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang kawalan ng sistema ng pamahalaan para sa Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ito ay kasunod ng pagkamatay ni Michelle Silvertino sa isang overpass sa Pasay City habang naghihintay ng masasakyan pauwi sa kanilang probinsya sa Calabanga, Bicol.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, hindi sana mamamatay si Silvertino kung organisado lamang ang mga hakbang ng pamahalaan para sa mga LSI.


Sinabi ni Robredo na maraming LSI ang humihingi ng tulong sa kanilang tanggapan para makauwi sa kanilang probinsya.

Nagpaabot din ang Bise Presidente ng simpatya sa mga pasaherong nananatiling stranded sa NAIA at naghihintay sa ilalim ng flyover.

Mula nitong Marso, ang Office of the Vice President at mga private partners ay magkatuwang sa pagpapauwi ng mga na-stranded sa Metro Manila.

Facebook Comments