Paranaque City ipinagbawal na rin ang paggamit ng plastic sa mga commercial establishment

Bawal na rin sa Lungsod ng Paranaque ang mga single use plastic partikular sa mga commercial establishment.

 

Sa ulat ng Paranaque’s City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang pagbabawal ay magsisimula sa buwan ng Hunyo matapos ang anim na buwan na publication ng City Ordinance no. 18-40.

 

Ayon kay Engr. Teresa Quiogue supervising environmental management specialist ang hakbang nilang ito ay bilang pagsuporta sa Manila Bay rehabilitation.


 

Sa ngayon nakatututok na ang Paranaque City gov’t sa pagresolba sa epekto ng kawalan ng single use plastic sa lungsod.

Facebook Comments