Unti-unti nang dinadagsa ng mga pasahero ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX mula sa bakasyon sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, karamihan sa mga pasahero na dumarating sa PITX ay papalabas sa Metro Manila dahil nagtatrabaho sila sa Batangas at Cavite pero nakatira sa Metro Manila.
Kapansin-pansin na marami sa city bus ay nanggagaling sa Metro Manila palabas upang ipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho pero ang iba ngayon lamang nagbabalikan.
Paliwanag ni Salvador, mayroon naman K9 na nagbabantay sa mga pasahero na may bitbit ng kani-kanilang mga bagahe at iniinspeksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
Facebook Comments