Parañaque LGU, muling isasagawa ang Women’s Workers Forum at mini job fair para sa mga kababaihan katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Muling isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa pamumuno ni Mayor Eric Olivarez ang mini job fair para sa mga kababaihan ngayong araw.

Gaganapin ito sa Parañaque City Sports Complex simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang nasabing programa ay bukas para sa mga kababaihan na may edad 18-taong gulang pataas.


Ang mga interesado at kwalipikadong aplikante ay maaaring mag-apply sa job fair na ito kung saan i-click lamang ang link na makikita sa social media ng Parañaque LGU at sagutan ang form.

Kasabay ng nasabing job fair ay idaraos din ang Women’s Workers Forum na bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso.

Ito rin ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Parañaque City sa ilalim ni Mr. Henry R. Leonardo katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments