Parañaque LGU, naglunsad ng SPES

Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Parañaque ng Special Program for Employment of Students o SPES.

Layon nitong sanayin ang student beneficiaries sa aspeto ng serbisyo publiko sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, 300 mag-aaral ang itinalaga sa city hall.


Paliwanag ng alkalde na ang bawat kalahok ay tatanggap aniya ng 570 pesos na allowance kada araw sa loob ng tatlumpung araw o katumbas ng 17,100 pesos para matulungan sila sa mga gastusin sa pagbubukas ng school year.

Ginanap ang launching ng SPES sa San Antonio Gym kung saan nagsimula nang mag-trabaho ang 150 student beneficiaries para sa first batch na tatagal hanggang September 5.

Idinagdag pa ni Olivarez na ang second batch ay magsisimula sa August 1 hanggang September 12.

Sa ibibigay na allowance, 342 pesos ang sasagutin ng city government habang 228 pesos ang magmumula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Facebook Comments