Parañaque, lumagda na sa kasunduan para sa 200,000 doses ng COVID-19 vaccine

Lumagda na ng kasunduan sa United Kingdom pharmaceutical firm na AstraZeneca ang city government of Parañaque para sa pagbili ng 200,000 doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang nabanggit na bakuna ay ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng libre sa mga residente nito.

Nasa 600,000 ang residente ng Parañaque at ₱1.25 billion ang inihandang pondo ng lokal na pamahalaan para sa vaccination program.


Sabi naman ni City Health Officer Olga Virtusio, 119,200 na mga taga-Parañaque ang kasama sa Phase 1 ng pagbabakuna at ito ay kinabibilangan ng mga frontline workers, uniformed personnel, mga mahihirap, senior citizens at may mga kapansanan.

Facebook Comments