Parang PNP nailigtas ang lalaking nalunod sa dagat

25

Maswerteng naisalba ng mga elemento ng Parang PNP ang isang 50 anyos na lalaki matapos malunod habang naliligo sa Punta Beach sa Brgy Magsaysay , Parang Maguindanao

Kinilala ang nailigtas na lalaki na si Margarito Takan na residente ng Brgy. Kimarayag Pigcawayan North Cotabato.

Sinasabing sa di malamang kadahilanan ay biglang nalunod si Takan , maswerte na lamang at napadaan ang mga nagpapatrolyang mga kapulisan kung kayat agad itong narespondehan.

Patuloy naman ang pagpaalala ng mga otoridad sa publiko lalong lalo na sa mga nagtutungo sa Beach ngayong bakasyon na mag- iingat at iwasang magtampisaw sa dagat lalo na kapag nakainum ng alak.

Facebook Comments